Gambatte, JFC!

Practice ng pagsusulat ng Kanji (漢字) para maka-catchup sa mga lesson sa isang public school…  enjoy naman si onesan sa pagsusulat dahil parang nagdo-drawing lang siya ng mga Kanji na ito.  Sa karamihan, pagkatapos ng 1 taon, madaling nakakasabay ang mga Pinoy na batang namulatan ang abakada o ABC.  Ang galing ng mga batang Pinoy!  Mabilis silang matuto.  Mabilis din nilang makalimutan ang kulturang Pinoy.  Eto ay isang problema dahil sila ay mga Pilipino at dapat bicultural ang kanilang orientation.  Sa bagay na ito, makatutulong ang isang Filipino International School in Japan (FISJ).

More about the project at  http://www.fil-school-japan.net .

May online survey po tayo para marami tayong data na makuha para sa ating FISJ project.  Suportahan po natin ang survey na ito na nasa:
http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm

Let us spread the word about FISJ! 

Post a Comment