We really need a Filipino School in Japan

 

Mga Kapatid, if we’ll think long-term, kung may Filipino school tayo sa Japan, solved na solved na ang ganitong problema.  Up to now, isang drawing pa lang ang ideyang ito kasi kailangan ng inyong tulong.  Maaaring mangyari ito next week o next month din… it’s a matter of helping each other to make it happen.  Anyway, long-term approach natin ito.  Hope we could believe in 3 things that could work for us to make this happen because these factors were the ingredients of success in countries like Kuwait, Saudi, UAE, Oman, Greece, China, Bahrain, Qatar where we have Filipino schools:

1. TRUSTWORTHINESS

2. PERSEVERANCE

3. UNITY

and MATURITY dahil common sense ang bagay na ito at pag dumatin na ang problema at saka natin ipipilit na buuin na… why not prepare ahead of time right?

Kasi di puwedeng isa lang ang mag-iisip tapos siya rin ang magi-explain at siya rin ang magpaplano.  Dapat lahat ng concerned, sumali.  Sa solusyong ganito, KUNG MARAMI TAYO, MADALING GAWIN.  Kung ilan lang tayo, di natin kaya.

Pls do something to make this project happen.  OK Assignment… sino sa inyo ang may alam na lugar o may sariling lugar na puwedeng gawing Filipino school?

Di kaya ng 1 o 2 tao lang ang ganitong proyekto… mangunguna rito na solusyon iyung pagsali ng mga kapwa-Pinoy at Pinay ng kanilang mga anak sa idea.  Otherwise, darating at darating ang mga ganitong problema (DO WE REALLY CARE o hayaan na lang nating tumakbo ang panahon at magulat tayo sa naproduce nating bata na dapat ay anak natin ay naging ibang tao pala):

1. tulad ng binanggit ni Mr. Kuripot na naguguluhan siya kung saan dapat pag-aaralin – it’s an actual dilemna of all Filipino parents in Japan who are staying in Japan to work or live with their spouses to build and grow with the family

2. potential bullying ng mga anak natin dahil sa ibang kultura na sana’y bantayan natin

3. pag-aaral ng ating mga anak na hindi natin maintindihan 100%

4. lalabong identity ng mga anak natin dahil di nila alam kung sila ay Hapon o Pinoy na naging Hapon o Hapong may pagka-Pinoy etc – identity crisis ang tawag dito

5. ano ba talaga ang dapat kong gamiting salita – Tagalog, Ingles o Hapon – saan ba ako lulugar – eto ang isang dilemna ng mga kabataang Pinoy rito sa Japan

For short term solutions, pag-aaral sa isang International School pero di practical sa marami dahil napakamahal ng tuition.  You know we could level the parenting kinds that we have in Japan… some of them are successful although priority-setting and consistencies are problems. Dahil na rin siguro sa “kailangang magtrabaho para may maipadala sa Pinas” tendencies natin. So may pagka-ningas cogon tendency natin at bahala na attitude.  Sa umpisa ok, susundan ang pag-aaral ng anak tapos pag nakitang walang problema isa o dalawang buwan, iiwan na ang pag-aaral ng anak na mag-isa.  True or false?0

Iyung ibang kakilala ko, nagpapaaral sila sa isang Japanese school pero binabantayan nila ang kanilang anak sa mga unang pasok nito at tuwing may pagkakataon.  So full time school parenting ang nanay at si tatay lang ang nagtatrabaho. For few cases, it is working… but most of the time, may language barrier issues dahil ang ina kahit marunong mag-Nihongo, di nasanay sa education culture ng mga Hapon… iyung iba, nagtitiyagang mag-aral kasama ang anak at nakiki-socialize sa mga Hapon para maiwasan ang bullying o discrimination ng kanilang mga anak.

Ok nasa short-term analysis tayo, Mr. Kuripot and folks… sa iba naman, ganito ang setup.  Nihongo sa school, Ingles at Filipino sa loob at labas ng bahay.  This way, nagiging multilingual daw ang kanilang mga anak.  Pero di casual conversation lamang dahil ang iba, pinag-aaral nila sa English school ang kanilang mga anak pag weekend o may private tutor.

Iyung iba, they try to enrol their kids in the cheapest International schools…pag kindergarten to primary, mura pa iyan at siguro di pa aabot ng 1 million pero pagdating na ng bata sa high school, papag-aralin na sa Pinas.  Naku, nasisira ang buhay ng mga bata pag ganito puwera na lang kung pag-aaralin sa International School din sa Pinas pero pls take note na iba ang lifestyle sa Pinas at Japan.  Di naiisip ng iba ito but of course, observer lang po tayo… Iyung iba, hanggang high school, tapos American kid ang napapalaki nila kaya kung papabalikin sa Pinas, baka lalong ma-bully at maglakwatsa at ma-bore lang kaya pinag-iipunan para mapagpaaral sa US ng college pero napakamahal talaga naman ng tuition.

Iyung iba, the moment na may problemang na-encounter ang kanilang mga anak, pauuwiin na lang sa Pinas at bahala na ang mga lolo at lola o auntie at tiyo na magbantay.  Tatawagan na lang daw nila araw-araw ang mga bata para mapagsabihan.  How easy for now? Right?  But we should not forget that child rearing and skills-honing are in the early stages.  So the best solution is still to have your children grow with you.  At pag sigurado na tayo na sanay na at may values na silang natutunan mula sa atin (so paano  pag wala tayong values – patay kang bata ka), eto ang panahon para hayaan natin silang mag-choose.

The final solution is a cross examination of the environment and priorities of you and your wife and the influential people around you.  Pls examine vertically and horizontally… across timelines and factors that will affect the life of your child, your life and your famlily. Ano ang mapapabuti at makakatulong para sa paglaki ng bata? I would insist sa tabi ninyo siya kahit saan kayo naroon. Then you start thinking of a solution that is one step at a time.  Halimbawa, “Ok hon, pag-aralin natin siya sa isang Japanese school pero suriin natin ang school, ang mga guro nito at concern ng mga ito sa gaikoku-jin… bisitahin natin ang iskuwela at makipagkaibigan tayo.” This way di lang ninyo basta ipapasok ang inyong anak at di kilala ang environment na pag-aaralan niya. Tapos, pag nag-umpisa na siya, pls learn with him/her. Understand his/her environment… may problema ba siya… masaya ba siya?

Eto naman po ay mga sharing ko lamang basi na rin sa mga napagdaanang pamilyang nakasalamuha ko na at mula sa mga nababasang statistics at pedagogical materials.  You might ask me…may anak ka na ba?  Hehe!  Ako po ay wala pang anak pero matagal na akong nag-aaral ng Filipino psychology pati Japanese psychology at nag-iisip ng mga pamamaraan paano magiging ganap na advantage ang pagiging Japino.  I had dealt with a lot of cases on child rearing in Japan… discussions, counseling etc.  Kasi pag Japino, para sa akin, either anak ng Pinoy at Hapon o isang Pinoy na bata na parehong Pinoy ang magulang pero dito na nakatira.

Well, sana nakatulong ito..

————-

By the way, kung may time kayo, please attend the Coop Seminar on Nov 26 at Meguro Church. Hope to see you there 2-6PM. That is one way to network with each other and help our community understand approaches on how our future could be better. Hope you can PM if you want to reserve. Thanks. Pls check out our BLOG at http://ofwshien.wordpress.com . Indeed, a cooperative solution is another way to have TRUST, PERSEVERANCE and UNITY as well as MATURITY to make this Filipino school happen.  0

1 Comment

  1. Lynn said,

    September 13, 2007 at 12:41 am

    I am thinking of forming an exploratory group to jump start the idea of establishing a Filipino-Japanese Pre-School. Since i am based in Kawasaki i prefer Pinoys living within the area.

    If anyone is interested maybe we can get together and talk?


Post a Comment