DOUBLE NOT HALF

Ang mga Japino o Japanese-Filipino children (JFC) ay dapat ituring na DOUBLE at hindi lang HALF at ibig sabihin nito ay DOUBLE ADVANTAGE at di lang HALF ADVANTAGE. Bakit? Dahil 2 ang kanilang pinagmulan na bayan – ang PILIPINAS at BANSANG HAPON.

Ito ang gustong idiin ng proyektong Filipino International Weekend School (FIWS) sa Meguro-ku, Tokyo, kung saan mayroon nang 30 students ang nakikiisa kasama ang mahigit sa 10 mga magulang (nanay at tatay) para buuin ang Shien Mothers’ Club na siyang hahaligi sa plano ng OFW Shien Cooperative (http://ofwshien.wordpress.c om) na mabuo ang iskuwelahang ito para maging kaagapay sa pagsulong ng DOUBLE ADVANTAGE para maging ganap ang JFC identity sa bansang Pilipinas at Hapon.

Ang FIWS ay isang lingguhang pag-aaral ng Ingles at Kulturang Pilipino / Values Orientation sa mga kabataang JFC. Nag-uumpisa ito ng alas dos ng hapon hanggang alas quatro. Ang saya-saya nila pag kasama nila ang mga katulad nilang JFC. Kitang-kita iyan sa kanilang mga mukha. Wala silang ikinahihiya o ikinalulungkot dahil alam nila na ang mga kasama nila ay katulad nilang JFC din.

Project Updates as of May 27, 2007
———————————-
1. Date: April 29, 2007
Start of Project (Dryrun – 20 students)

2. Date: May 6, 2007
Diagnostic Test by group (Speaking & Writing)
Fillup of Application Form
Report of Initial English Proficiency Level
Total No. of participants: 16

3. Date: May 13, 2007
Formal Lesson 1
Activity & Improvement Reports – first day
No. of participants: 21

4. Date: May 20, 2007
Formal Lesson 2
Activity & Improvement Reports – second day
Start of Teenage Group
Total No. of participants: 25

5. Date: May 27, 2007
Formal Lesson 3
Activity & Improvement Reports – second day
Introduction of Shien Mothers Club with 10 members (a recreational club)
Total No. of participants: 26

CLASSES GROUPED BY AGE:3yo & below GROUP
4-5yo GROUP
6-7yo GROUP
8-9yo GROUP
10-11yo GROUP
12yo & above GROUP

The program is more of an experience for JFCs to play because “play is the work of children” and this was once said by Jean Piaget, a psychologist. It is in this activity when children learn how to do things, how to make things work and how to manage their own worlds. In this line, we incorporate the appreciation of a bicultural heritage and the advantage of having a Japanese-Filipino identity. “Make every Filipino child in Japan proud and smarter…”

For reservations and particulars, please e-mail Leni at llenigy@yahoo.com or Tonette at tpmovers@gmail.com.

Kapatid, mabubuo ang proyektong ito sa tulong ng lahat na concerned sa mga kabataang magiging kinabukasan ng 2 bayan. Magiging susi rin ang paaralang ito ng mga trabaho at daan para maging paaralan ng lahat. Ating itaguyod ito sa pamamagitan ng iyong pakikiisa. Malapit nang mabuo ang iskuwelahang ito… pagtitiwala mo na lang kabayan ang kulang. Sasali ka ba ngayon o hihintayin mo itong buo na bago ka kikilos?