About FISJ

THE CHALLENGE FOR ALL PINOYS AND PINAYS IN JAPAN – Bakit sa Japan kung saan mas maraming Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan at kung saan mas mataas ang standard of living, WALA TAYONG SARILING FILIPINO SCHOOL?  

Bakit ang mga Indian, Taiwanese, Brazilian, Intsik, Koreano, Indonesian may sariling school sa Japan?

Bakit sa bansang Greece, China, Kuwait, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Libya, Oman at Bahrain kung saan maraming Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan, mayroong Filipino school? 

May mga modelo nang Filipino school sa ibang bansa at may mga nabuo nang foreign school sa Japan kaya di imposible na magkaroon tayo ng sariling Filipino school sa Japan. Ang kulang lang natin – PAGTUTULUNGAN para magkatotoo ito. Dahil ang isang Filipino international school sa Japan – kung mayroon tayo, maraming magagawa ito para sa ating mga kabataang Pilipino at malaking tulong ito para sa ating lahat.

Maraming mabibigyan ng trabaho kung may sarili tayong Filipino school sa Japan, di ba? Kailangan natin ng teacher, day care workers, canteen staff, cook, librarian, janitor/cleaner, ano pa? Ang mga migrante puwede ring magkaroon ng school dito pag evening o weekend. Halimbawa, mag-aral ng computer technology, business, Japanese, cooking etc. Puwede rin sigurong maging lugar ito para ipagpatuloy ang pag-aaral na hindi natapos dahil nagpunta na sa Japan. Magkakaroon din tayo ng sariling building na puwede nating gamitin sa ating mga activity pag weekend? Puwedeng gamitin ito para sa mga contest, ballroom dancing, festival, bazaar, sports atbp. Puwede ring lumaki at magkaroon ito ng branches sa buong Japan. Samakatwid, basta maayos ang management at mapapagkatiwalaan, napakaraming opportunities ang mabubuksan kung may Filipino school tayo.

Ilan sa mga napag-alaman natin ang mga typical na sitwasyon kung saan ang pag-aaral ng mga anak ay malayo sa kaalaman ng mga magulang. Bakit? Ang mga kabataan ay nag-aaral sa salitang Hapon at ang mga magulang na Pilipino ay may maliit na partisipasyon sa bagay na ito. Resulta – hindi nila nasusubaybayan ng husto ang mga natutunan ng kanilang mga anak. Sa mga anak natin tayo nagpapaturo kung anong nangyayari. Samakatwid, ang monitoring natin na dapat ay sa iskuwela at sa natutunan ng ating mga anak, hindi ganito ang nangyayari. Mas madalas na nahuhuli tayo sa mga balita. Gamansuru ng gamansuru ang mga kabataan natin, ang laki ng epekto nito sa kanilang pagkatao sa darating na panahon. Sana’y naiisip din natin ito di lang para mapag-aral sila kundi dahil karapatan nila ito bilang mga kabataang Pinoy rin.

 

 

5 Comments

  1. Annie Dematera said,

    November 20, 2006 at 8:51 am

    Nov. 20, 2006

    Nabasa ko sa internet ang inyong proposal sa pagtatayo ng Filipino Overseas School sa Japan. Interesado ako sa inyong pangangailangan. Actually ako ay kasalukuyang nag-aaral at ang interest ko ay Philipine School Overseas. Ako ay nagtapos ng BSE at MA curriculum Studies University of the Philippines College of Education. Sa kasalukuyan ako ay gagawa ng pananaliksik kaugnay sa pagtatayo ng Philipines school overseas. Ako ay interesado. email lang ninyo ako sa binigay kung email sa inyo.
    Maraming salamat.

    Umaasa,

    annie Dematera

  2. Annie Dematera said,

    November 20, 2006 at 8:53 am

    Nov. 20

    Ang gagawin ko palang pananaliksik ay may kinalaman sa aking PhD program Philipine Studies External Relation. Kung sa tingin ninyong ako ay makakatulong wag kayong mag-atubiling mag email.

    annie Dematera

  3. Franklin P. Uy said,

    March 22, 2007 at 11:12 am

    Ako ay kasalukuyang nagtuturo dito sa Pilipinas. May karanasan sa pagtuturo sa Elementary at Secondary Education. Kung sakali man na may maitutulong ako sa nasabing plano na Filipino School sa Japan, nais kong makibahagi. Nais ko rin magturo upang makapagbahagi ng kaalaman sa kabataang Pilipino sa Japan, dahil iba ang Pinoy. Makakatulong ako bilang isang guro at kababayang Pilipino, wag kayong mag-atubiling mag e-mail.

  4. Kajiro Takashima said,

    March 5, 2008 at 1:04 pm

    sang ayon po ako jan sa plano nyo lalong lalo na para sa mga katulad naming mga Nikkei Jin na nandito po sa japan, alam nyo po ang hirap para sa amin ang makapunta dito na walang alam na salita, kaya kailangan po talaga ang school para sa mga pinoy dito, lalo na po para sa mga susunod na genaration. Kami po rito ay hirap talagang mikipag usap sa mga tao rito, Pilipino lang po ang walang tindahan or grocery store dito, Talong talo po ang pinoy sa mga Brasiliano dito marami po kming daing dito, Kulang po ang suporta ng ating pamahalaan sa mga katulad naming OFW, mag e-mail lang po kung may maitutulong kami marami po kming umaasang matutupad ang plano nyo, maraming salamat po.

  5. May 4, 2009 at 8:05 am

    i really see how Filipinos are ought to fight for their rights in giving the best education for Japinos, therefore i decided to use these OFW families and children to my thesis proposal in college., im now taking up BS ARCHITECTURE in Polytechnic University of the Philippines. Here in the Philippines and i wanted to help you guys in making it visible for you.If ever my proposal will be approve. In these case im also needed your help to do these. Hope the blog creator of these survey will send me response asap, Thanks. Here’s my yahoo messenger account(soulkeeper_reigne_12@yahoo.com)

    If i suceeded i will send you the copy ofmy whole thesis book together with the proposed plans forthe school.


Post a Comment